Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdalo ng Pangulong Tsino sa Seremonya ng Pagbubukas ng Winter Olympics sa Sochi, pagpapakita sa espesyal na relasyong Sino-Ruso

(GMT+08:00) 2014-01-22 09:23:41       CRI

Ipinahayag kahapon ni Cheng Guoping, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Seremonya ng Pagbubukas ng 2014 Winter Olympics sa Sochi. Ito ang dalawang taong singkad na pinili niyang gawing Rusya ang unang bansa ng pagdalaw niya. Ito aniya ay pagpapakita sa mataas na lebel at katangian ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Rusya, at pagpapakita rin sa mainam na relasyon ng dalawang lider ng Tsina at Rusya sa trabaho at kanilang mahigpit na personal na pagkakaibigan.

Isinalaysay ni Cheng na sa panahon ng pagdalo sa seremonya, magdaraos sina Pangulong Xi at Pangulong Vlładimir Putin ng bilateral na pagtatagpo. Malalim na magpapalitan sila ng palagay hinggil sa pagpapaunlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, pagpapasulong sa mga malaking pragmatikong proyektong pangkooperasyon, at mga mahalagang suliraning pandaigdig at panrehiyon.

Sinabi ni Cheng na ito ang kauna-unahang beses na pagdalo ng Pangulong Tsino sa malaking paligsahang pampalakasan sa ibayong dagat. Aniya, ipinakikita nito ang pagkatig sa isa't isa at estratehikong kooperasyon ng Tsina at Rusya sa mga mahalagang isyu. Ipinakikita rin nito ang pagpapahalaga at pagkatig ng Tsina sa International Olympic Movement.

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>