Ayon sa pahayag kahapon ng isang USA intelligence officer na nagsusuri sa "PRISM" project, gumamit si Edward Snowden ng "web crawler," isang low-cost tool, para malaman at makuha ang mga sikretong impormasyon mula sa National Security Agency (NSA). Aniya, ipinakikita nitong may loophole ang seguridad na panloob ng NSA.
Ayon naman sa isang opisyal ng NSA, nakadestino si Snowden sa Hawaii nang makuha niya ang mga impormasyon, at hindi pa na-update ng NSA ang sistema ng pagsusuri mula noong panahong iyon. Aniya, si Snowden ay nakatawag ng pansin nang makuha niya ang maraming impormasyon at makapasok siya sa sistema ng NSA. Pero, ayon kay Snowden, ang ginawa niya ay regular na system maintenance lamang bilang NSA contractor.
Salin: Andrea