Sanhi ng walang tigil na mainitang pagpapalitan ng putok sa Syria, dumarami ang mga refugees ang umalis sa kani-kanilang lupang tinubuan at pumupunta sa kapitbansang Lebanon. Ayon sa United Nations High Commissioner for Refugees(UNHCR), lumampas na sa 900 libo ang bilang ng mga Syrian refugees sa Lebanon.
Ayon sa kasunduan ng tigil-putukan na nilagdaan sa pagitan ng Syria at UN hinggil sa ligtas na paglilikas ng mga sibilyan mula sa Homs, pangunahing lugar ng sagupaan sa Syria, 460 katao na kinabibilangan ng mga kababaihan at kabataan ang nailikas mula doon. Nauna rito, mga 7 daang iba pa ang nailikas naman mula sa Homs.
Ayon sa ulat, 3 libong sibilyan ang kasalukuyang naninirahan sa Homs.