Kinumpirma kahapon ng International Criminal Police Organization(Interpol) na dalawang taong Iranyo ang gumamit ng nakaw na pasaporte at sumakay ng MH370 pampasaherong eroplano ng Malaysia.
Kaugnay nito, ipinahayag ng Embahada ng Iran sa Malaysia na handa na ito para sa mga katugong imbestigasyon.
Ayon sa Interpol, sina Pouria Nour Mohammad Mehrdad, 19 taong-gulang lalaki at Delavar Seyed Mohammad Reza, 30 taong-gulang lalaki ang nabanggit na dalawang pasaherong Iranyo.
Ayon sa ulat, balak nilang ilegal na pumasok sa ibang bansa sa pamamagitan ng pasaporteng ninakaw.