Pagkaraan ng Ika-2 Sesyong Plenaryo ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan o NPC at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, inilabas ang mga mahalagang pagsasaayos sa sistema ng exchange rate. Ipinahayag kamakailan ng Bangko Sentral ng Tsina, na mula ngayong araw, nakatakdang palawakin sa 2% ang floating range ng RMB Exchange Rate sa US Dollar, mula sa 1%.
Ito ang ika-3 beses na pagpapalawak ng nasabing floating range, sapul nang isagawa ang reporma sa sistema ng RMB Exchange Rate noong Hulyo, 2005.
Anang Bangko Sentral, sa kasalukuyan, nasa kontrol ang panganib na pinansyal ng Tsina, sapat ang foreign exchange reserve, at malakas ang kakayahan sa pagharap sa mga elementong mula sa labas. Kaya, walang batayan para sa malaking debaluwasyon ng RMB.
Salin: Andrea