Idaraos ang Ika-20 Konsultasyon ng Matataas na Opisyal ng Tsina at ASEAN mula ika-21 hanggang ika-22 ng buwang ito sa Pattaya, Thailand. Sa panahon ng pulong, gaganapin din ang Ika-7 Pulong ng Tsina't ASEAN sa Pagpapatupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Ipinahayag ito kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na news briefing. Aniya pa, mag-uusap ang mga kinatawan mula sa Tsina at ASEAN para mapasulong ang pragmatikong pagtutulungan sa South China Sea at magsasanggunian din sila hinggil sa pagpapasulong ng Code of Conduct on the South China Sea.
Salin: Jade