Kaugnay ng panggagambala ng Biyetnam sa gawain ng paggagalugad ng bahay-kalakal ng Tsina sa South China Sea, hinimok ngayong araw ni Ouyang Yujing, Puno ng Kawanihan ng mga Suliraning Panghanggahan at Pandagat ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang Biyetnam na itigil ang iligal na panggugulo sa normal na gawain ng mga bahay-kalakal ng Tsina.
Ang lugar ng paggagalugad ng bahay-kalakal ng Tsina ay nasa rehiyong karagatan ng Xisha Islands na 17 nautical miles ang layo sa isla ng Zhongjian ng Tsina. Pero ang lugar na ito ay halos 150 nautical miles ang layo sa baybaying dagat ng Biyetnam.
Kaugnay ng dumadalas na panggagambala ng Biyetnam sa normal na gawain ng bahay-kalakal ng Tsina, nagharap si Ouyang ng solemnang representasyon sa Biyetnam.
Ayon sa ulat, nananatiling 10 taon ang mga gawain ng paggagalugad at pagsusuri ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa lugar na ito. Sinabi niya na buong sikap na maigagarantiya ng panig Tsino ang maayos at maalwan na pagsasagawa ng mga gawain ng bahay-kalakal.
Sinabi pa niya na isinagawa nang maraming beses ng Tsina at Biyetnam ang pagkokoordinahan hinggil sa isyung ito.