Magkakasunod na ipinahayag ng ilang personaheng Malay na ang relasyong pangkaibigan ng Malaysia at Tsina ay hindi lamang nakakapagbigay ng benipisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi nakakabuti sa katatagan, kasaganaan, at kaligtasan ng rehiyong ito.
Sinabi ni Ei Sun Oh, dating kalihim ng Punong Ministro ng Malaysia, na ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Malaysia, at ang Malaysia naman ay pinakamalaking trade partner ng Tsina sa Timog Silangang Asya. Sa mga aspektong gaya ng pagpapasulong ng seguridad sa rehiyon, paglutas sa hidwaan sa rehiyon, at pagbibigay-dagok sa terorismo, puwedeng ibayo pang palakasin ng dalawang bansa ang kooperasyon.
Salin: Li Feng