Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi tumpak ang alegasyon ng Biyetnam na nagpadala ang Tsina ng anim na bapor-pandigma para protektahan ang 981 oil rig sa Xisha Islands sa loob ng teritoryong pandagat ng Tsina.
Ipinagdiinan ni Hua na dahil sa patuloy at marahas na panggugulo ng Biyetnam, sasakyang administratibo, sa halip ng bapor-pandigma ang ipinadala ng Tsina para sa kaligtasan ng operasyon ng nasabing oil rig.
Inulit din ng tagapagsalitang Tsino na 10 taon na ang paggagalugad ng bahay-kalakal na Tsino sa karagatang malapit sa Xisha Islands; pero, sapul noong ika-2 ng nagdaang Mayo, nagpapadala na ang Biyetnam ng mga sasakyang pandagat na kinabibilangan ng mga armadong sasakyan para manggulo sa operasyon ng bahay-kalakal na Tsino. Ang higit na masama, pinahintulutan ng panig Biyetnames ang mangilan-ngilang Biyetnames na magsagawa ng pamamalo, paninira, pandarambong at panununog laban sa mga kompanya at tauhan ng Tsina at ibang bansa. Hinihintay pa rin ng Tsina ang paliwanag dito mula sa panig Biyetnames.
Salin: Jade