|
||||||||
|
||
Sa kanyang artikulo na isinapubliko kahapon, sinabi ni Ma Zhaoxu, Sugo ng Tsina sa Australia na labag sa mga batas na pandaigdig ang panggugulo ng Biyetnam sa paggagalugad ng kompanyang Tsino sa karagatan ng Xisha Islands sa teritoryong pandagat ng Tsina.
Ani Embahador Ma, ang lugar ng paggagalugad ng bahay-kalakal na Tsino ay 17 nautical miles ang layo mula sa baseline ng teritoryong pandagat mula sa Xisha Islands ng Tsina, samantala, 133 hanggang 156 na nautical miles ang layo mula sa baybaying dagat ng Biyetnam. Bukod dito, 10 taon na ang paggagalugad ng kompanyang Tsino sa nasabing lugar.
Sapul noong ika-2 ng nagdaang Mayo, walang humpay nang nanggugulo ang panig Biyetnames sa paggagalugad ng Tsina. Nagpadala ang Biyetnam ng mga sasakyang pandagat na kinabibiblangan ng mga armadong sasakyan para banggaan ang sasakyang administratibo ng Tsina na nagsasagawa ng pangangalaga sa drilling rig. Bukod dito, nagpadala rin ang Biyetnam ng frogmen at ibang underwater agents. Naghulog din ang Biyetnam ng ibang pangharang na kinabibilangan ng alambreng pangisda at mga bagay na lumulutang. Anang embahador Tsino, ang aksyon ng Biyetnam ay nakakapinsala sa kalayaan ng abyasyon sa South China Sea.
Ipinagdiinan ni Embahador Ma na ang aksyon ng Biyetnam ay panghihimasok sa soberanaya at hurisdiksyon ng Tsina. Labag din ito sa mga batas na pandaigdig na kinabibilangan ng Karta ng UN, 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), 1988 Convention for the Suppression of Unlawful Acts against the Safety of Maritime Navigation at Protocol for the Suppression of Unlawful Acts against the Safety of Fixed Platforms Located on the Continental Shelf.
Binigyang-diin din ng sugong Tsino na may sapat na batayang pambatas ang Tsina na teritoryo ng Tsina ang Xisha Islands. Ang Tsina ang unang bansa na nakatuklas, naggalugad at nangasiwa sa nasabing mga isla.
Mababasa ang may kinalamang artikulong pinamagatang "HYSY 981 Drilling Rig: Probokasyon ng Biyetnam at Paninindigan ng Tsina."
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |