Nakipag-usap kahapon si Gregory So Kam-leung, Puno ng Commerce and Economic Development Bureau ng HKSAR sa mga kinatawan galing sa sektor ng komersyo ng HK hinggil sa isyung may-kinalaman sa paglalagda sa Kasunduan ng Malayang Kalakalan ng HK at ASEAN. Sinabi niyang darating sa HK ang mga kinatawan ng ASEAN sa ika-10 ng Hulyo, para simulan ang pag-uusap.
Ang naturang mga kinatawan ay galing sa limang samahang komersyal na kinabibilangan ng Chinese General Chamber of Commerce, Chinese Manufacture's Association of HK, Federation of HK Industries, Chinese Federation of HK Export and Import, at HK General Chamber of Commerce.