Nakipagtagpo sa magkahiwalay na okasyon sa London si dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Speaker ng House of Lords, Mataas na Kapulungan ng Britanya na si Frances D'Souza at Puno ng Labour Party na si Ed Miliband.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay D'Souza, ipinahayag ni Li na ang pagpapalitan ng parliamento ay nagsisilbing mahalagang bahagi sa relasyong Sino-Britaniko, at positibo ito sa pagtutulungan ng dalawang panig sa pulitika, kabuhayan at pagpapalitan ng tauhan. Umaasa aniya siyang mapapahigpit pa ang kooperasyon ng dalawang panig para makalikha ng mas mainam na kondisyon para sa kanilang mas malawak at maliwanag na pagtutulungan sa hinaharap.
Sinabi naman ni Frances D'Souza na kasalukuyang humihigpit at lumalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan ng parliamento ng Tsina at Britanya. Umaasa aniya siyang mapapalakas pa ang pagtutulungang ito para mapasulong pa ang relasyong Sino-Britaniko.
Sa kanyang namang pakikipagtagpo kay Ed Miliband, sinabi ni Li na positibo siya sa pangmatagalang pagsisikap ng Labour Party ng Britanya sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Britaniko. Umaasa aniya siyang ibayo pang gaganap ang Labour Party ng mas mahalagang papel para mapasulong ang partnership ng dalawang bansang may inklusibong pag-unlad.
Sinabi naman ni Ed Miliband na positibo ang kanyang partido sa pagpapasulong ng pakikipagtulungan sa Tsina at suportado rin ang pagpapahigpit ng diyalogo at pagtutulungan ng dalawang pamahalaan sa bilateral na relasyon at pagbabago ng klima para maisakatuparan ang inklusibong pag-unlad.