HONG KONG, Tsina—Sinabi kahapon ni Jiang Yu, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Komisyoner sa Hong Kong ng Ministring Panlabas ng Tsina na may di-maipagkakailang soberanya ang Tsina sa Xisha at Nansha Islands at nakapaligid na karagatan.
Inulit ng tagapagsalitang Tsino ang nasabing paninindigan bilang tugon sa demonstrasyon kamakalawa ng ilang Biyetnames na nanunuluyan sa Hong Kong. Idinaos nila ang demonstrasyon bilang suporta sa di-umano'y pag-angkin ng Pamahalaan ng Biyetnam ng soberanya sa nasabing mga isla.