|
||||||||
|
||
Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Ministro ng Pananalapi Jacob Lew ng Amerika
BEIJING, Tsina--Ipinahayag kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang mainit na pagtanggap sa mga natamong bunga ng katatapos na Ika-anim na Diyalogong Estratehiko at Ekonomiko at Ika-limang Pagsasanggunian sa Pagpapalitang Pantao o People-to-People Exchange sa Mataas na Antas.
Winika ito ni Pangulong Xi sa kanyang pakikipagtagpo kina Kalihim ng Estado John Kerry at Ministro ng Pananalapi Jacob Lew ng Amerika, na lumahok sa nasabing mga diyalogo.
Ipinagdiinan ng pangulong Tsino na upang matupad ang mga natamong bunga, kailangang pabilisin ng dalawang bansa ang kanilang talastasan hinggil sa kasunduan ng bilateral na pamumuhunan, pahigpitin ang pagpapalitan ng dalawang hukbo, at magsikap para magkasundo hinggil sa pagbabago ng klima at green development. Idinagdag pa ni Xi na anumang bagay na maaaring magbuhos ng "positibong enerhiya" sa relasyong Sino-Amerika ay kailangang pasulungin ng dalawang bansa; samantala, anumang bagay na posibleng magpataw ng "negatibong enerhiya" ay dapat bawasan ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ng dalawang opisyal na Amerikano ang kanilang pagtanggap sa mga mungkahi ni Pangulong Xi. Inulit din nila ang suporta ng Amerika sa pagpapalalim ng Tsina ng reporma at pagbubukas. Anila, ang pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina ay makakabuti sa pag-unlad ng Amerika. Ipinagdiinan din nilang walang intensyon ang Amerika na magkaroon ng komprontasyon o alitan sa Tsina at wala rin itong intensyong patawan ng containment ang Tsina.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |