Ayon sa pinakahuling datos ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong nakaraang Mayo, umabot sa 959 milyong dolyares ang pagluluwas ng Pilipinas sa Tsina at mas mataas ito ng 51.3% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Ang proporsyon ng pagluluwas ng Pilipinas sa Tsina ay katumbas ng 17.4% ng kabuuang halaga ng pagluluwas ng Pilipinas na nagkakahalaga ng 5.5 bilyong dolyares noong Mayo. Dahil dito, ang Tsina ay naging ikalawang pamilihan ng pagluluwas ng Pilipinas, kasunod ng Hapon, noong nakaraang Mayo.
Salin: Jade