|
||||||||
|
||
NALAGLAG sa kauna-unahang pagkakataon ang approval at trust ratings ni Pangulong Aquino matapos ilabas ng Korte Suprema ang desisyon sa legalidad ng Disbursement Acceleration Program, ayon sa Pulse Asia.
Ayon sa mga balitang lumabas, kahit na nadakip at nakadetine ang tatlong senador sa diumano'y pork barrel scam, laglag pa rin ang ratings at umabot sa 56% mula sa 70% noong nakalipas na Marso. Ang trust ratings ay nalaglag sa 53% mula sa 69% may apat na buwan na ang nakalilipas.
Ginawa ang pagsusuri ng Pulse Asia sa may 1,200 mga Filipino mula ika-24 ng Hunyo hanggang ikalawang araw ng Hulyo panahon na naganap ang pagdakip at pagsuko ng mga senador na sina Ramon Revilla, Jr., Jinggoy Estrada at Juan Ponce-Enrile at paglalabas ng desisyon ng Korte Suprema hinggil sa DAP.
Ayon naman sa Social Weather Stations, pinakamababa ang satisfaction rating noong ikalawang quarter ng taong 2014.
Karamihan na pinanabangan kay Pangulong Aquino ang mga nasa upper at middle classes. Mula 62%
Magugunitang noong unang araw ng Hulyo ay inilabas ng Korte Suprema ang desisyon na nagsasabing ilang pagkilos sa ilalim ng DAP ay taliwas sa saligang batas.
Nanindigan ang Malacanang na "in good faith" ang kanilang ginawa kahit pa nilabag nila ang probisyon ng Saligang Batas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |