|
||||||||
|
||
Natapos kahapon ang paggagaludad ng HYSY 981 rig sa Xisha Islands sa South China Sea ayon sa iskedyul.
Kinumpirma ito ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa isang regular na preskon dito sa Beijing.
Sinipi ni Hong ang pahayag ng China National Petroleum Corp. (CNPC) at China Oilfield Services Limited sa pagsasabing sinimulan ng nasabing rig ang operasyon malapit sa Zhongjian Island ng Xisha Islands noong ika-2 ng Mayo. Nakatakdang magtapos ang operasyon nito kahapon.
Idinagdag pa ng tagapagsalitang Tsino na mag-aanalisa ang nasabing dalawang kompanyang Tsino ng mga nakolektang datos na heolohikal at magtatakda ng susunod na hakbangin.
Inulit din ni Hong ang soberanya ng Tsina sa Xisha Islands. Aniya pa, isinagawa ng mga komanyang Tsino ang operasyon sa loob ng teritoryong pandagat ng Tsina.
Sinimulan ng CNPC ang paggagaludad sa nasabing lugar noong 2004.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |