Ayon sa pinakahuling ulat hinggil sa World Economic Outlook, binaba ng International Monetary Fund (IMF) ang tinatayang paglaki ng limang bansang ASEAN sa 4.6% mula sa dating 5.0%, para sa taong ito. Kabilang sa nasabing limang bansa ay ang Indonesiya, Malaysia, Pilipinas, Thailand at Biyetnam.
Ipinahayag ng IMF na ang dahilan ng pagbaba ng pagtaya ay ang pagbabago ng pandaigdig na pamilihang pinansyal, patinding situwasyong panrehiyon at pagbabago ng kalagayang pulitikal ng ilan sa nasabing mga bansa.
Gayunpaman, nananatiling optimistiko ang IMF sa pag-unlad ng kabuhayan ng nasabing bansang ASEAN. Para sa taong 2015 naman, tinaas ng IMF ang paglaki ng kabuhayan ng nasabing limang bansang ASEAN sa 5.6% mula sa 5.4%.
Salin: Jade