|
||||||||
|
||
Nalutas kamakalawa ang kaso ng pagpatay kay Jume Tahir, imam ng Id Kah Mosque, sa Kashgar sa Rehiyong Awtonomo ng Uyghur ng Xinjiang.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang tatlong suspek na kinikilalang sina Turghun Tursun, Memetjan Remutillan at Nurmemet Abidilimit ang gumawa ng krimen itinutulak ng ekstrimismong panrelihyon. Nagplano sila ng di-umano'y "malaking pangyayari" para mapalakas ang kanilang impluwensiya.
Si Imam Tahir na 74 na taong gulang ay pinatay alas-6:58 kamakalawa ng umaga pagkaraang mangulo sa pagdarasal sa moske. Nitong nagdaang Martes, nangulo rin si Tahir sa seremonya ng Eid al-Fitr, na nagmamarka ng pagtatapos ng Ramadan.
Isinasagawa pa rin ang ibayo pang imbestigasyon.
Nanungkulan si Tahir bilang imam sa Id Kah Mosque sapul noong 2003. Siya ay kilalang-kilalang Islamic religious leader at Pangalawang Presidente ng China Islamic Association. Dati rin siyang deputado ng Pambansang Kongresong Bayan, kataas-taasang lehislatura ng bansa.
Ang Id Kah Mosque na may 600 taong kasaysayan ay tumatanggap ng mahigit 2,000 Muslims araw-araw. Bilang pinakamalaking moske ng Tsina, sa mga mahalagang okasyong panrelihiyon, ang Id Kah Mosque ay napupuno ng 20,000 Muslims.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |