|
||||||||
|
||
batang lalaking nailigtas sa mga guho
inililipat ng mga tagapagligtas ang isang nasugatan
Patuloy ngayon ang gawain ng pagliligtas. Samantala, nnumbalik na sa kabuuan ang telekomunikasyon at suplay ng koryente sa mga apektadong lugar. Pero, putol pa rin ang linya ng transportasyon dahil sa landslide at patuloy na pagbuhos ng ulan. Kinukumpuni na rin ng mga may kinalamang departamento ang mga napinsalang lansangan.
nasugatang nakakatandang babae na ginagamot sa Ludian People's Hospital
mga tagapagligtas, naghahanap ng natabunan sa Qiaojia County na malapit sa Ludian County,
larawang kinunan ng cellphone
lalaking nailigtas sa Qiaojia County na malapit sa Ludian County
Sa kabilang dako, kapuwa inatasan nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga departamento ng pamahalaang nasyonal at lokal na buong sikap na iligtas ang mga taong natabunan, gamutin ang mga nasugatan at ilipat ang mga apektadong residente. Nakarating na sa nilindol na lugar si Premyer Li Keqiang para pangasiwaan ang gawain ng pagliligtas sa lokalidad.
Alas-4:30 kahapon ng hapon, niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang Ludian. Ang epicenter nito ay labing-dalawang (12) kilometro ang lalim at matatagpuan din sa naturang lokalidad.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |