Ang lindol na may lakas na 6.1 sa Richter Scale ay yumanig ngayong umaga sa Yingjiang County ng Probinsyang Yunnan sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 29 na mamamayan ang naiulat na nasugatan, at lima sa mga ito ay grabe ang tinamong sugat.
Naputol ang koryente ng ilang bayan dahil sa lindol, pero, nananatili pa ring maayos ang telekomunikasyon.
Ang pamahalaang lokal ng Yunnan ay nagpadala ng working group sa nilindol na lugar para matulungan ang mga apektadong mamamayan. Nakapaghatid na rin ang 1,000 tolda at 5,000 cotton-padded quilt sa nasalantang lugar.
Salin: Jade