|
||||||||
|
||
Hanggang alas-5 kahapon ng hapon, lumampas na sa 478 milyong yuan RMB o humigit-kumulang 80 milyong dolyares ang natanggap na donasyong salapi ng nilindol na lalawigang Yunnan sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Kasabay nito, umabot sa mahigit 140 milyong yuan RMB o mahigit 23 milyong dolyares ang halaga ng inabuloy na materyal.
Sa kasalukuyan, maayos na isinasagawa ang relief work at rekonstruksyon sa mga apektadong lugar.
Mga sundalo habang inililipat ang isang nasugatang biktima
Mga residenteng lokal na tumatanggap ng relief work material
Toldang pinamimibay ng mga sundalo sa mga apektadong residente
Isang boluntaryo na nagbibigay ng payong sa bata
Tinuturuan ng isang guro ang mga apektadong bata sa pansamantalang panirahan
Ang mga residenteng lokal na pinakaapektado ng lindol ay nakakatanggap ng tubig na maiinom at sariwang pagkain.
Alas-4:30 ng hapon, noong ika-3 ng Agosto, niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang Ludian County, Zhaotong City ng Yunnan. Ang epicenter nito ay labing-dalawang (12) kilometro ang lalim at matatagpuan din sa naturang lokalidad.
Ayon sa pinakahuling datos, 617 na ang naitalang namatay sa lindol, 112 ang nawawala at mahigit 3,100 ang nasugatan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |