Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

615, patay sa lindol sa Yunnan: pagpigil sa epidemya, mahirap

(GMT+08:00) 2014-08-08 08:49:31       CRI

Hanggang alas-7 kagabi, 615 na ang naitalang patay, apat na araw makaraang maganap ang lindol sa Ludian County, Zhaotong City sa probinsiyang Yunnan, sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Kasabay nito, 114 pa ang nawawala at 3,143 ang nasugatan. Mahigit isang milyong mamamayan ang apektado at halos 230,000 ang pangkagipitang inilikas.

Patuloy pa rin ang paghahanap at pagliligtas.


Habang inililipat ng mga tagapagligtas ang isang biktima

Ayon sa Departamento ng Kalusugan ng Yunnan, ang mataas na temperatura at kakulangan sa gamot ang mga elementong nagpapahirap sa pagpigil sa epidemya pagkaraan ng kalamidad.

Nangolekta ang nasabing departamento ng 14 na water sample sa mga nilindol na lugar at ipinakikita nito ang mataas na panganib ng pagkalat ng enteric infectious disease.

Residenteng nakaranas ng heatstrok habang sinusugod ng mga tagapagligtas sa ospital

Alas-4:30 ng hapon noong ika-3 ng Agosto, niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang Ludian. Ang epicenter nito ay labing-dalawang (12) kilometro ang lalim at matatagpuan din sa naturang lokalidad. Ito ang pinakamalakas na lindol na yumanig sa Yunnan, nitong 14 na taong nakalipas.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>