Sampung araw na ang nakaraan sapul nang yanigin ng 6.5 magnitude na lindol ang Ludian County, Zhaotong City ng lalawigang Yunnan sa dakong timog-kanluran ng Tsina noong ika-3 ng Agosto.
Ayon sa pinakahuling datos, 617 ang namatay sa lindol, 112 ang nawawala at 3,143 ang nasugatan.
Ayon sa update kahapon ng hapon ng Grupo ng Gawain ng Pagliligtas at Paghahanap sa lokalidad, patuloy ang paghahanap, pagliligtas at panggagamot sa mga sugatan.
Kasabay nito, nanumbalik na ang suplay ng kuryente sa mahigit 97% ng mga apektadong lugar. Ang lahat ng 229,700 apektadong residenteng lokal ang nakakainom ng malinis na tubig. Buong-sikap ding pinipigil ng mga tauhang medikal ang pagkalat ng nakahahawang sakit.
Salin: Jade