Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Obispo, tutol sa panukalang ikalawang termino ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2014-08-14 17:30:25       CRI

ILANG mga obispo ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa nabalitang pagsang-ayon ni Pangulong Aquino na maglingkod ng higit sa kanyang terminong magtatapos sa 2016.

Lumabas sa isang exclusive interview ng himpilang ABC 5 na bukas si Pangulong Aquino sa pagbubukas ng Saligang Batas upang magkaroon ng mga pagbabago tulad ng pagbabawas sa poder ng Korte Suprema.

Para kay Arsobispo Socrates B. Villegas, ang Arsobispo ng Lingayen-Dagupan, bilang isang mamamayan, hindi na masusuportahan ang pagsusog sa Saligang Batas na naglalayong mapatotohanan ang layunin ng isang nanunungkulan o isang uri ng mga mamamayan.

Para sa arsobispo na pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, ang mga pagsusog sa Saligang Batas ay makatarungan lamang kung higit na pakikinabangan ng bayan at makatutugon sa masasamang suliranin mula sa malalabong probisyon nito.

Idinagdag pa ni Arsobispo Villegas na hindi rin masusuportahan ang panukalang pagbabawas ng poder ng Korte Suprema na may tungkuling gawin ito. Laban umano sa kamay ng Estado at mga paglapastangan ng Saligang batas ng ilang mga politiko, ang judicial review ang nananatiling sandigan ng mga walang lakas at walang kakayahang mga mamamayan.

Makikinig umano siya sa tinig ng kanyang mga "boss" ang mga mamamayang Pilipino hinggil sa kahilingang maglingkod pang muli ng higit sa 2016.

Para kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, wala umanong maingay at masiglang kahilingan mula sa mga mamamayang maglingkod pa si Pangulong Aquino ng higit sa 2016. Anang obispo, ang ingay ay mula lamang sa kanyang mga "kapartido, mga kaklase at maging mga kalaro."

Ipinagtatanong naman ni Calbayog Bishop Isabelo C. Abarquez kung bakit biglang sumang-ayon sa pagbabago ng Saligang Batas ang pangulo samantalang pinag-usapan na ito noong nakalipas na panahon. Ang sagot ni Pangulong Aquino noong unang taon niya sa tungkulin ay tutol siya sa anumang gagawing pagbabago sa Saligang Batas na ipinasa noong panahon ni Pangulong Corazon C. Aquino.

Iminungkahi ng obispo na maghintay na lamang ng bagong halal na pangulo sa 2016 kung talagang seryoso ang mga namumuno sa bansa.

Ipinaliwanag pa ni Bp. Abarquez na anumang pagbabago ng Saligang Batas ay nararapat para sa kaunlaran at kabutihan ng mga mamamayan at hindi ng political interest nang nanunungkulan.

Sinabi ni Jaro Archbishop Angel N. Lagdameo, dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, na hindi siya sang-ayon sa anumang pagbabago sa Saligang Batas ngayon lalo't higit sa pagbibigay ng term extension sa sinuman tulad ng pangulo.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, ang pagpapatawag ng constitutional convention o special assembly upang pagbigyan lamang ang layunin ng iisang tao ay isang marangyang ehersisyo.

Para kay dating Novaliches Bishop Teodoro Bacani, Jr., nalulungkot siya sa pahayag ni Pangulong Aquino. Tanging ilusyon lamang ang mga tinig na naririnig niya at ipinakikita lamang ng pangulo na hindi siya nararapat manungkulan ng higit sa kanyang takdang panahon.

Bagama't sangayon si Legazpi Bishop Emeritus Jose Sorra sa pagbabago ng Saligang Batas, tutol siya sa anumang extension ng panunungkulan ni Pangulong Aquino.

Ayon kay dating Kalookan Bishop Deogracias Iniguez, Jr., maaaring mabuksan ang Saligang Batas subalit ang motibo sa pagbubukas nito ay mananatiling kaduda-duda.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>