Ipinahayag kahapon ni Pornpetch Wichitcholchai, Tagapangulo ng National Legislative Assembly (NLA) ng Thailand, na idaraos nito bukas ang pagboto para sa Punong Ministro ng transisyonal na pamahalaan.
Sinabi pa niya na ang bagong punong ministro ay manunumpa sa tungkulin pagkatapos ng pag-aaproba ni Haring Bhumibol Adulyadej.
Ayon sa ulat ng mga media ng Thailand, may pinakamalaking posibilidad si Prayuth Chan-ocha, Commander-in-Chief ng Royal Army at Tagapangulo ng National Peace and Order Maintaining Council (NPOMC), sa magiging bagong punong ministro ng transisyonal na pamahalaan.
Salin: Ernest