Ayon sa China News Agency, dahil sa mabilis na pag-unlad ng industriyang panturista sa loob ng Tsina, itinaas ng 20% kamakailan ng Pilipinas ang travel budget ng bansang ito sa susunod na taon.
Sa taong 2015, 30 bilyong Philippine Peso ang travel budget ng industriyang panturista ng Pilipinas. Kabilang dito, halos 16.2 bilyong Peso ay gagamitin sa pagtatatag at pagpapabuti ng imprastruktura ng lansangan sa mga panturismong purok.
Nitong ilang taong nakalipas, napakabilis na umunlad ang industriyang panturista ng Pilipinas. Noong isang taon, umabot sa mahigit 748.3 bilyong Philippine Peso ang tourism income, na katumbas ng 6.5% ng kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng bansang ito.
Salin: Li Feng