Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, inulit ang pagtutol sa panghihimasok na dayuhan sa mga suliranin ng Hong Kong

(GMT+08:00) 2014-09-04 15:50:54       CRI

Inulit kahapon ng Tsina ang pagtutol sa panghihimasok na dayuhan sa mga suliranin ng Hong Kong.

Ipinagdiinan ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakabalik na ang Hong Kong sa inang bayan at nagsisilbi ito ngayong isang espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina, kaya, suliraning panloob ng Tsina ang repormang demokratiko ng Hong Kong.

Ayon sa isang ulat ng BBC nitong nagdaang Lunes, ang Komite ng Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina ay humiling sa counterpart nito sa Britanya na kanselahin ang pagsusuri sa kalagayan ng demokrasya ng Hong Kong.

Ipinahayag ni Qin ang nasabing paninindigan bilang tugon sa nabanggit na ulat.

Noong 1997, ibinalik ng Britanya ang Hong Kong sa soberanya ng Tsina.

Isang desisyon hinggil sa paghalal sa punong ehekutibo ng Hong Kong ang pinagtibay nitong nagdaang araw ng Linggo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.

Ayon sa nasabing desisyon, sa taong 2016, mabubuo ang Konsehong Lehislatibo sa Hong Kong para isagawa ang universal suffrage sa 2017.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>