Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dating punong ehekutibo ng HKSAR, suportado ang proposal sa repormang pulitikal

(GMT+08:00) 2014-09-04 09:24:40       CRI

Isang desisyon hinggil sa paghalal sa punong ehekutibo ng Hong Kong sa pamamagitan ng universal suffrage sa 2017 ang pinagtibay nitong araw ng Linggo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.

Ipinahayag kahapon ang suporta sa desisyon ni Tung Chee-hwa, Unang Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HK at Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayo ng Tsina.

Sinabi ni Tung na noong 1997, nahalal siya ng 400-miyembrong komisyon bilang punong ehekutibo ng Hong Kong; ayon sa nasabing desisyon naman, sa 2017, mahahalal ang punong ehekutibo ng 5 milyong botanteng taga-Hong Kong.

Ipinagdiinan niyang ang prosesong ito ay may mahalagang katuturan sa demokratisasyon ng HK.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>