Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Rappler, dumalo sa diyalogong pangkooperasyon ng mga media mula sa Tsina't ASEAN

(GMT+08:00) 2014-09-09 15:10:56       CRI

BEIJING, Tsina—Nagtipun-tipon dito kamakailan ang mga kinatawan ng news website mula sa Tsina at sampung bansang ASEAN, para talakayin ang hinggil sa responsibilidad ng media sa pagpapasulong ng pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang panig.

Si Chay Hofileña, Direktor sa Investigative Desk at Training ng Rappler, ay lumahok sa China-ASEAN Workshop on News Website Development and Cooperation mula ika-30 ng Agosto hanggang ika-anim ng buwang ito.

Ito ang unang workshop para sa mga online journalist na inorganisa ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Bilang reaksyon sa mga positibong elemento at mga problema sa mga ulat sa isa't isa ng mga news website ng Tsina at ASEAN, iniharap ni Liu Chang, Propesor ng Pamamahayag ng Communication University of China, ang idea ng konstruktibong pag-uulat. Ipinalagay niyang kailangang bawasan ng mga news website ng Tsina at ASEAN ang mga ulat na nagtatampok sa alitan at kaguluhan. Sa halip, iminungkahi niyang dagdagan ng mga online news organization ang mga ulat na pangkapayapaan para maihatid ang kagandahang-loob at positibong impormasyon na makakatulong sa pag-uunawaan at paglutas sa sagupaan.

Bilang tugon, sinabi ni Romeo Arca, opisyal mula sa ASEAN Sekretaryat na dahil sa layuning komersyal, may mga online media practitioner na naglalabas ng mga nakatatawag-pansing ulat sa alitan, pero, ikinabahala niyang baka maging propaganda ang mga positibong ulat o ulat na pangkapayapaan.

Ibinahagi naman ni Chen Tong, Punong Editor ng Sina.com sa mga kalahok ang hinggil sa pag-unlad at impluwensiya sa Tsina ng Sina Weibo, social media platform na tulad ng Twitter. Sinabi ni Chen na malaki ang pangangailangan ng mga netizen na Tsino sa impormasyong panlipunan, pangkultura at panturista ng mga bansang dayuhan, kaya, puwedeng ibahagi sa Weibo ng mga website na ASEAN ang impormasyon hinggil sa iba't ibang bansang ASEAN.

Tinalakay rin ng mga kalahok ang posibilidad ng itatag ang China-ASEAN website para magbahaginan ng mga ulat sa teksto, audio at video.

Narito ang mga link sa tatlong artikulo ni Chay Hofileña hinggil sa workshop.

http://www.rappler.com/world/regions/asia-pacific/68133-china-trust-deficit-asean

http://www.rappler.com/world/regions/asia-pacific/67915-china-growing-clout-new-media

http://www.rappler.com/world/regions/asia-pacific/china/68448-china-e-commerce-growth

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>