Sumang-ayon kahapon ang Amerika at sampung bansang Arabe sa pagsasagawa ng magkasanib na aksyon para labanan ang Islamic State (IS) at harapin ang banta na dulot ng mga teroristikong organisasyon sa Gitnang Silangan.
Nag-usap kahapon sa Gita ng Saudi Arabia ang mga Ministrong Panlabas ng Amerika, Saudi Arabia, Iraq, Egypt, Jordan, Lebanon, Kuwait, United Arab Emirates, Qatar, Amman at Bahrain, para itatag ang isang malawak na koalisyon sa pagbibigay-dagok sa IS. Dumalo rin sa pulong na ito ang Ministrong Panlabas ng Turkey.
Ayon sa pahayag pagkatapos ng pulong na ito, magkakasamang bibigyang-dagok ng naturang mga bansa ang anumang teroristikong organisasyon na kinabibilangan ng IS.
Bukod dito, sumang-ayon ang naturang mga bansa sa pagkakaloob ng makataong tulong sa mga bansa at rehiyon na sinalanta ng mga teroristikong organisasyon para tulungan ang rekonstruksyon sa naturang mga bansa at rehiyon.