Isang pahayag ang ipinalabas kahapon ng United Nations Support Mission in Libya (UNSMIL) bilang paghimok sa iba't ibang panig ng bansa na magdaos ng diyalogo sa ika-29 ng buwang ito para malutas ang krisis sa bansa.
Ayon pa sa pahayag, nagkaroon ng pag-uusap si Bernardino Leon, Espesyal na Kinatawan ng UN sa isyu ng Libya at mga tauhan ng iba't ibang panig ng Libya. Buong pagkakaisa nilang ipinalalagay, na ang diyalogong pulitikal ang tanging paraan para malutas ang kasalukuyang krisis sa bansa. Isa pang mahalagang isyu sa pag-uusap ay petsa at lugar ng paglilipat ng kapangyarihan ng dating parliamento sa bagong parliamento.
salin:wle