Libyan PM: pagdukot sa kanya, itinuturing na kudeta
(GMT+08:00) 2013-10-12 17:17:02 CRI
Sinabi kahapon ni Ali Zeidan, Punong Ministro ng pansamantalang pamahalaan ng Libya, na ang pagdukot sa kanya na naganap noong isang araw ay itinuturing na kudetang naglalayong pabagsakin ang kanyang pamahalaan.
Sinabi rin ni Zeidan na organisado ang naturang aktibidad, at ito ay kinakatigan ng takdang paksyon ng bansa.