Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lider ng Tsina at UN, nag-usap

(GMT+08:00) 2014-09-23 09:49:57       CRI

Bilang sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa UN Global Climate Summit, nakipag-usap kahapon si Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina sa Pangkalahatang Kalihim ng UN na si Ban Ki-moon sa New York, Punong Himpilan ng UN. Samantala, magkasamang dumalo ang dalawang puno sa seremonya ng pagbibigay-donasyon ng Tsina sa UN ng Global Land Cover Dataset na may 30-meter resolution.

Sa pag-uusap, ipinaabot muna ni Zhang ang pagbati mula Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang kay Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon. Sinabi ni Zhang na positibo ang Tsina sa pagdaraos ng kasalukuyang summit na itinaguyod ni Ban. Aniya, pinahahalagahan ng Tsina ang pagbabago ng klima at ang pakikipagtulungan ng Tsina sa UN sa isyung ito. Ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang pinalakas na pakikipagtulungan sa UN, at magbibigay ito ng 6 na milyong dolyares sa Kooperasyong Timog sa Timog na nakatuon sa pagbabago ng klima.

Ipinahayag ni Zhang na sa nalalapit na paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN sa taong 2015, umaasa ang Tsina na ibayo pang pahihigpitin ng komunidad ng daigdig ang multilateralismo, pangangalagaan ang Karta ng UN at kaayusang pandaigdig na itinatag pagkaraan ng W.W.II. Aniya, bilang pirmihang kinatawan ng UN at pinamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, patuloy na suportado ng Tsina ang multilateralismo, at ang pakikipagtulungan nito sa UN.

Sa panig naman ni Ban, ipinahayag din niya ang pagbati sa mga lider ng Tsina at pasasalamat sa ibinibigay na suporta mula sa Tsina. Sinabi ni Ban na hinahangaan niya ang isinagawang pagsisikap ng Tsina sa larangan ng pagbabago ng klima at hinihintay din niya ang mas malaking isasagawang ambag ng Tsina sa usaping ito sa hinaharap. Samantala, positibo rin si Ban sa masusing papel ng Tsina sa paglaban sa epidemiya ng Ebola sa Aprika at sa mga isyu ng Afghanistan at South Sudan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>