Sa kanyang pagdalaw sa Estados Unidos (E.U.) at pakikipag-usap sa mga lider ng White House at Kagawaran ng Estado ng E.U., malinaw na inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ang paninindigan hinggil sa situwasyon ng HongKong.
Binigyan-diin ni Wang na ang suliranin ng HongKong ay suliraning panloob ng Tsina, at walang karapatang makialam dito ang puwersang panlabas. Dapat aniya igalang ang soberanya ng Tsina, at ito rin ang saligang alintuntunin ng relasyong panlabas. Ani Wang, ang nukleo ng situwasyon ng HongKong ay ang iligal na demonstrasyon ng ilang tauhan na malubhang nakaapekto sa kaayusan ng lipunan. Aniya, bawal sa anumang bansa o lipunan ang nasabing aksyon na ipinagwalang-bahala ang batas at napinsala ang kapakanang pampubliko. Nananalig aniya siyang may kakayahan ang pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na mabuting hawakan ang kasalukuyang isyu ayon sa batas.
Salin: Andrea