Hanggang alas-3 kahapon ng hapon, isang tao ang iniulat na namatay at 324 iba pa ang nasugatan dahil sa lindol na may lakas na 6.6 sa Richter scale sa Lunsod ng Pu'er ng Lalawigang Yunnan, Tsina. 6,988 bahay ang gumuho at 124,600 tao naman ang naapektuhan ng kalamidad na ito.
Pagkaraang maganap ang lindol, ipinalabas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang atas sa mga lokal na pamahalaan at tropa na puspusang isagawa ang disaster relief work at ayusin ang pansamantalang tuluyan ng mga nabiktimang mamamayan.
Yumanig noong ika-7 ng buwang ito ang lindol na may lakas na 6.6 sa Richter Scale sa bayan ng Jinggu ng Lunsod ng Pu'er ng lalawigang Yunan ng Tsina.
salin:wle