Lindol na may lakas na 6.6 sa Richter Scale ang yumanig kagabi sa bayan ng Jinggu ng Lunsod ng Pu'er ng lalawigang Yunan ng Tsina.
Hanggang kaninang madaling araw, 1 tao ang nasawi sa lindol, 28 ang nasugatan.
Pagkatapos ng lindol, agarang sinimulan ng Pambansang Kawanihang Seismolohikal ng Tsina ang ika-2 antas na emergency plan para isagawa ang pagmomonitor sa mga susunod pang lindol at pagtaya sa mga kapinsalaan na dulot ng lindol.
Bukod dito, nagpadala na ang pamahalaang lokal ng mga grupo sa nilindol na purok para isagawa ang gawaing panaklolo roon.
Salin: Ernest