Ipinahayag kahapon ng panig militar ng Iraq na umurong na ang sandatahang lakas ng pamahalaan Iraqi mula sa isang base militar, malapit sa kalunsurang Heet sa Al-anbar, lalawigan sa gawing kanluran ng bansa. Ayon din sa pahayag, kasalukuyang nasa kamay ng sandatahang lakas ng IS ang Heet at ang naturang base militar.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Philip Hammond, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Britanya sa isang magkasanib na preskon sa Iraq na kung isasagawa lamang ng mga bansang kanluranin ang air raids laban sa IS, hindi nito pabubutihin ang kalagayan doon. Aniya, bibigyan nila ang Iraq ng tulong na pagsasanay ng tropa at teknolohiya. Samantala, inulit naman ni Ibrahim al-Jaafari, Ministrong Panlabas ng Iraq ang pagtutol sa pagpapadala ng tropa ng mga bansang dayuhan sa loob ng teritoryo ng Iraq para sa paglaban sa IS.