|
||||||||
|
||
SINABI ni Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na malaki ang ginagampanang papel ng mga mamamahayag, sa radyo, television, pahayagan at maging sa new media sapagkat ang mga mamamayan at pamahalaang nakababatid ng tamang impormasyon ang maghahatid ng kaunlaran.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Secretary Coloma na malaking bahagi ng kanilang panahon ang iniuukol sa paghahatid ng tamang impormasyon sa mga mamamayan.
Ayon kay Professor Ma. Arsenia C. Gomez, ang new media ang siyang pinagkaka-abalahan ng karamihan at marapat lamang na bigyan ito ng atensyon sapagkat sa paraang ito lumalabas ang pulso ng bayan.
Para kay Atty. Rejie Jularbal ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, ginawaga nila ang lahat upang magkaroon ng accreditation ang lahat ng sumasahimpapawid kahit pa ang tinaguriang blocktimers sapagkat sa ganitong paraan, naikikintal ang mga responsibilidad ng isang mamamahayag.
Binanggit din ni Atty. Jularbal na patungo na sa digital format ang mga telebisyon sa Pilipinas. Pinagaganda na rin ang mga radio transmitters at ang nalalabing problema na lamang ay ang mga receiver. Modelo ng Japan ang kanilang sinundan, dagdag pa ni Atty. Jularbal.
Binanggit din ni Secretary Coloma na kumikilos na sila sa pag-papaunlad ng serbisyo ng People's Television Channel 4 at Radyo ng Bayan. Mayroon ng nagaganap na pagkilos tungo sa pagsasapribado ng IBC Channel 13. Higit umanong napakikinabangan ang National Printing Office at ang APO-NEDA sa paglilimbag ng mga kailangang dokumento ng pamahalaan tulad ng mga pasaporte at mga balota sa halalan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |