Bilang tugon sa palagay na hindi tatalakayin sa mga pulong ng APEC ang hinggil sa pagtatayo ng Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP) dahil sa pagpigil ng Amerika, ipinahayag ngayong araw ni Wang Shouwen, Asistente ng Ministro ng Komersyo ng Tsina na ang pagtayo ng FTAAP ay buong pagkakaisang mithiin ng lahat ng 21 miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). "Hanggang sa kasalukuyan, natamo na natin ang pagkatig ng lahat ng mga miyembro ng APEC, walang anumang pagpipigil at walang tunggalian hinggil dito", sinabi niya.
Mula bukas hanggang ika-11 ng buwang ito, idaraos ang mga pulong ng mga lider ng APEC sa Beijing. Laging nagsusulong ang Tsina ng pagtatayo ng FTAAP, pero, ayon sa impormasyon, ikinababalisa ng Amerika ang talastasan hinggil dito sa pangambang ito ay makakaapekto sa talastasan hinggil sa Trans -Pacific Partnership Agreement na itinataguyod ng Amerika, dahil dito nagpataw ang amerika ng pressure sa mga miyembro ng APEC na huwag makipagsangunian hinggil sa FTAAP.
salin:wle