Idaraos sa Beijing ang Ika-22 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Ang Tsina ay magsisilbing host ng pulong na ito.
Isiniwalat kamakailan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na may pag-asang matatamo ng pulong ang breakthrough sa tatlong aspektong gaya ng pagsisimula ng proseso ng malayang kalakalan ng Asya-Pasipiko, paghahanap ng bagong puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko, at pagbalangkas ng bagong blueprint ng komprehensibong pag-uugnayan ng rehiyong ito. Ipinalalagay ng opinyong publiko na ito ay makakapagpasulong sa pagiging bukas ng kayarian ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko, at malaki at pangmalayuan ang impluwensiya nito para sa pag-unlad ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng