Isinapubliko kamakalawa ng White House ang mga detalye sa nakatakdang biyahe ni Pangulong Barack Obama sa rehiyong Asya-Pasipiko, mula ika-10 hanggang ika-16 ng buwang ito. Ito ay kinabibilangan ng pagdalo niya sa Di-pormal na Summit ng APEC sa Beijing at pagkaraan ng pagdalaw sa Tsina, mula ika-10 hanggang ika-12. Bibisita siya sa Myanmar at dadalo sa Summit ng Silangang Asya at Summit ng Amerika at ASEAN sa Nay Pyi Taw, mula ika-12 hanggang ika-14. Dadalaw din siya sa Brisbane ng Australia at dadalo sa G-20 Summit doon, mula ika-15 hanggang ika-16.
Ipinalalagay ng opinyong publiko na ang taong ito ang ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, kaya ang pagbisita ng Pangulong Amerikano sa Tsina ay lubusang pinapansin ng komunidad ng daigdig.
Ipinahayag kamakailan ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na magpapalitan ng kuru-kuro ang dalawang kataas-kaasang lider ng Tsina at Amerika hinggil sa relasyong Sino-Amerikano at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.