Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Iraq, babawiin ang sinakop na lupain

(GMT+08:00) 2014-11-06 12:13:16       CRI

Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Baghdad kay Michael Fallon, dumadalaw na Ministrong Pandepensa ng Britanya, inulit ni Punong Ministrong Haider al-Abad ang pagbawi ng mga lupaing sinakop ng ekstrimistang organisasyon ng Islamic State(IS). Ipinahayag naman ni Michael Fallon ang pagsasanay ng Britanya sa mga sundalong Iraqi.

Nang araw ring iyon, sa isang magkasanib na preskong idinaos pagkaraan ng pakikipag-usap sa kanyang dumadalaw na Iraqi counterpart na si Bashar Haafari, ipinahayag ni Mevlut Cavusoglu, Ministrong Panlabas ng Turkey ang pag-asang palalakasin ng pamahalaang Iraqi ang pagkakaisa sa ibat-ibang puwersang pulitikal para sa magkasamang labanan ang IS at bibigyan ng Turkey ang Iraq ng tulong sa pagsasanay sa mga armadong tauhan.

Samantala, ipinahayag kahapon sa White House ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na ang paghahanap ng kanyang pamahalaan ng suporta mula sa Capitol Hill para bigyang-dagok ang IS ay nagsisilbing isa sa tatlong target sa kasalukuyang kooperasyon ng dalawang panig. Sinabi niyang hindi lamang kailangang ipakita ang pagkakaisang palagay sa loob ng Amerika sa isyung pagbibigay-dagok sa ekstrimismong organisasyon, kundi dapat bigyan din ng maliwanag na suporta ang mga kalahok na sundalong Amerikano sa usaping ito.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>