Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Rusya, nanawagan sa obdyektibo at komprehensibong imbestigasyon sa pagbagsak ng MH17

(GMT+08:00) 2014-11-21 16:45:10       CRI

Nanawagan kahapon ang Rusya sa obdyektibo, komprehensibo at nagsasariling imbestigasyon sa pagbagsak ng MH17 ng Malaysia Airlines, ayon sa UN Security Council Resolution 2166 at regulasyon ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

Sinabi ni Alexander Lukashevich, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya na dahil sa ginamit ng mga bansang kanluranin ang insidenteng ito bilang pangangatwiran sa pagpapataw ng sangsyon laban sa kanyang bansa, ipinahayag ng Rusya ang nasabing kahilingan.

Noong ika-16 ng buwang ito, nangolekto ng labi ng bumagsak na eroplano ang Lupong Panseguridad ng Netherlands, organong pangungahing namamabaha sa imbestigasyon. Ang labi ay nakatakdang ipadala sa Netherlands para sa imbestigasyon.

Bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya noong ika-17 ng Hulyo habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tripulanteng sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>