Noong ika-15 ng Disyembre ng taong 2013, sumiklab ang armadong sagupaan sa pagitan ng dalawang paksyon ng Sudan People's Liberation Movement, Partidong nasa poder ng South Sudan. Ito ay humantong sa maigting na kalagayan ng bansa. Sa kabila ng mga kasunduan sa tigil-putukan na narating ng dalawang panig, nagpapatuloy pa rin ang mga putukan doon.
Kaugnay nito, hinimok kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN ang dalawang nagsasagupaang panig na marating ang kasunduan para lutasin ang sagupaan, batay sa prinsipyong inklusibo at paghahati sa kapangyarihan.
Ipinahayag ni Ban na patuloy na makikisangkot ang UN sa prosesong pangkapayapaan ng South Sudan at magkakaloob ito ng makataong tulong sa mga mamamayan nito.