Nag-usap kahapon sa telepono sina Li Keqiang, Premiyer ng Tsina at Antonis Samaras, Punong Ministro ng Greece.
Ipinabatid ni Antonis Samaras ang pinakahuling progreso ng kooperasyon ng Tsina at Greece.Aniya, pinagtibay kamakailan ng parliamento ng Greece ang "kasunduan ng pagsasangguniang pangkaibigan" hinggil sa proyekto ng port of Piraeus, na magkasamang pinamamahalan ng China Ocean Shipping Company at Greek port authority.
Ipinahayag ni Li ang kanyang papuri sa Pamahalaan ng Greece na kumakatig sa konstruksyon ng China-Europe land-sea express. Umaasa ang Tsina na matatapos ang konstruksyon sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Antonis Samaras na ang kooperasyon ng Tsina at mga bansa sa timog at silangang Europa ay nagbibigay ng pagkakataon para sa pag-unlad ng relasyon ng Greece at Tsina. Nakahandang ibayo pang palalimin ang kooperasyon nila ng Tsina sa iba't ibang larangan, at maisasakatuparan ang win-win situation.
salin:wle