Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Handa ang pamahalaan sa pagdalaw ni Pope Francis

(GMT+08:00) 2014-12-29 18:05:19       CRI

WALANG PAG-UUSAP SA LARANGAN NG POLITIKA.  Ito ang sinabi ni Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. (pangalawa mula sa kaliwa) sa isang press briefing sa Knights of Columbus Media Center kanina.  Dumalo rin ang iba't ibang opisyal ng pamahalaan at simbahan sa pagpupulong.  Nasa Kaliwa si Fr. Francis Lucas ng Catholic Media Network. (Melo M. Acuna)

SINABI ni Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na handa ang pamahalaan sa pagdating na Pope Francis sa ika-15 ng Enero. Hindi lamang isang state visit ang magaganap sapagkat bibigyan ng kaukulang halaga ang pagiging pinuno ng simbahang Katolika.

Sa isang press briefing na pinamunuan din ni Pasig Bishop Mylo Hubert C. Vergara, sinabi ni Secretary Coloma na bukod sa pagsalubong ni Pangulong Aquino kay Pope Francis sa Villamor Air Base, tatanggapin din siya sa Palasyo Malacanang at bibigyan ng kaukulang formal reception. (sa Malacañang)

Darating si Pope Francis sa ganap na ika-siyam ng umaga at mananatili hanggang sa ganap na 10:45 ng umaga. Bukod sa military honors, lalagda sa Malacanang Guest Book ang Santo Papa at magkakaroon ng maikling bilateral meeting.

Haharap din sila sa mga mamamahayag. Wala umanong handang talumpati si Pangulong Aquino sapagkat magsasalita siya mula sa kanyang puso.

Nagsimula ang diplomatic relations ng Pilipinas at Vatican City noong panahon ni Pangulong Elpidio Quirino noong dekada singkwenta.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>