Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang kanyang bansa na kakatig ang Amerika sa patakarang "Isang Tsina" at prinsipyong nakapaloob sa tatlong magkasanib na kumunike ng Tsina at Amerika, at pipigilin ang muling pagtataas ng watawat ng Taipei Economic and Cultural Representative Office in the United States (TECRO).
Noong unang araw ng bagong taon, idinaos ang seremonya ng pagtataas ng watawat ng TECRO sa Amerika. Sinabi naman ng pamahalaang Amerikano na hindi nila alam ang tungkol dito.
salin:wle