Pangalawang Ministrong Panlabas Li Baodong ng Tsina at Rose Gottemoeller, Undersecretary ng Estado ng Amerika
Idinaos kahapon sa Beijing ang 7th China-US Dialogue sa Estratehikong Seguridad at Multilateral na pagkontrol sa Armas. Magkasamang pinanguluhan ang talastasan nina Pangalawang Ministrong Panlabas Li Baodong ng Tsina at Rose Gottemoeller, Undersecretary ng Estado ng Amerika para sa Pagkontrol ng Armas at Usapin ng Seguridad sa Ibayong-dagat.
Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa estratehikong kalagayang panseguridad ng daigdig, relasyong Sino-Amerikano, at kooperasyong Sino-Amerikano sa kaligtasang panrehiyon at pandaigdig. Ipinahayag din ng dalawang panig ang paghahandang ibayo pang pasulungin ang malusog na relasyong Sino-Amerikano at magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig, batay sa paggagalangan, pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, at pagpapahigpit ng estratehikong pagpapalitan at pagtitiwalaan.