|
||||||||
|
||
Nagtalumpati si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos hinggil sa ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong Sino-Amerikano.
Ipinahayag niyang bilang maunlad na bansa at umuunlad na bansa, kailangang yakapin ng dalawang bansa ang pagtutulungan at magkasamang pag-unlad, sa halip ng estratehikong komprontasyon, para makinabang dito ang mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig.
Ipinahayag din niyang ang pagpapahigpit ng relasyong Sino-Amerikano ay mahalagang bahagi ng Asia Pacific Rebalance Strategy ng kanyang bansa.
Ipinagdiinan din ni Kerry na sa kasalukuyan, ang mga patakaran ng Amerika sa Tsina ay nagtatampok sa dalawang aspekto na kinabibilangan ng pagkontrol sa pagkakaiba at pagpapalawak ng komong interes.
Idinagdag pa ni Kerry na 35 taon ang nakakaraan bago itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, halos walang kalakalan ang dalawang bansa, pero, sa kasalukuyan, halos umaabot sa 600 bilyong dolyares ang taunang kalakalang Sino-Amerikano at 100 bilyong dolyares ang taunang pamumuhunan sa isa't isa.
Magsasagawa ng opisyal na pagdalaw sa Tsina si Pangulong Brack Obama ng Amerika at lalahok sa Ika-22 Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na idaraos sa Beijing mula ika-10 hanggang ika-12 ng buwang ito.
Si Kerry ay myembro ng entorahe ni Pangulong Obama sa biyahe sa Tsina.
Salin: Jade
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |